Thank you...Daddy Luding...

Sino ba si daddy Luding sa buhay ko?Si daddy luding ang tumangap sa akin bilang tunay nyang anak,si daddy luding ang nagsilbi kong tunay na ama...


Ng magkakilala ang mommy ko at si daddy luding anak nako ni mommy 6 yrs old ako noong panahon nayon...ang tunay kong ama hindi ko alam kung nasan sya noon eh...basta ang alam ko minsan ko lang syang nakita tapos wala na kaming koneksyon.
Si daddy luding naman pinakasalan nya ang mommy ko kahit alam nyang may anak na(balo narin si daddy luding na may 3 anak na binatat dalaga na noong panahon nayon).Kaya samakatuwid may mga stepsister and brother ako.

Aaminin ko na nagalit ako sa mommy ko noong nagpakasal sya kay daddy luding kasi inilayo nya ako sa papa ko...mula manila lumipat kami ni mommy sa tarlac (taga doon kasi si daddy luding)hindi ko matanggap si daddy...pero ng magsimula na akong mag-aral dahil ako narin ang parang bunso sa pamilya bawat award na matatngap ko mula elementary,high school si daddy luding nagsasabit ng medal ko at proud na proud sya sakin.Hindi sya nahihiyang umakyat sa stage pag tinawag ang pangalan ko at siya na magkaiba ang apelyido namin,alam man ng buong baryo na hindi nya ako anak pero pinagamalaki nya ako,,,si daddy luding ang pumuno sa pagkukulang ng papa ko na puro pangako ang binitiwan na keyo pupuntahan ako o padadalhan ako eh ni singkong duling wala...pangako nya napako...

Hanggang sa dumating ang pinakabunso sakin na anak na ni mommy ko at daddy luding na kapatid ko sa ina,naramdaman ko na kahit wala pala sa tabi ko ang tunay kong ama andyan ang daddy luding ko na tinuring akong hindi iba sa kanya kasi pantay ang pagtingin nya saming magkapatid...si daddy luding ko ang nagpaaral sakin,,,at pinagmamalaki ko iyon...

Ng dumating ang panahon na kailangan kong hanapin ang tunay kong ama at kailangan sya naman ang humarap ng esponsibilidad sakin bilang anak nya,nagpaalam ako kay daddy luding na luluwas ako ng maynila para hanapin si papa(tunay kong tatay)pagkagraduate ko ng high school.Natagpuan ko naman sya kaya lang ganun parin kung tama ngang sabihin ko ang salitang "inutil parin ang papa ko at takot parin sa responsibilidad"siguro nga pede ko ring sabihin,may pamilya syang iba or tama bang sabihin na "marami kaming anak sa labas" hindi rin nya ko napag aral ng college,,,nagwoking student nlang ako,,,trbaho at pag aaral...gusto ko mang magalit kaya lang andyan na eh sya naging tunay kog tatay...

Hanggang sa nagkapamilya ako nagkaroon ako ng anak si lowella,pagkapanganak ko bumisita ulit ako sa tarlac,at nakilala ni daddy luding ang kanya daw "apo" sabi nya eh...kung ako tinagap nyang parang kadugo nya ang nak ko higit pa ang ginawa nyang pagturing sa mga tunay yang apo...kada luluwas ang mommy ko pinadadalhan nya ng kung anu anung prutas si lowella,pag anihan sa tarlac pinaluluwas nya mommy ko para padalhan ng bigas ang apo daw nya...at pag lam nyang kami naman ang dadalaw sa tarlac hindi nya pinapipitasan ng bunga nga mga prutas nya dahil darating ang apo nya...

Kaysarap isipin na ako nagkatikim ako ng pagmamahal ng isang ama at ang aking anak ay pagmamahal ng isang lolo sa isang tao na hindi namin kadugo...duon ko napaganto na oo may mga lalaki ngang manloloko katulad marahil ng tunay kong ama,at meron ding katulad ng daddy luding na tumagap ng buong buo ng walang pag alinlangan...


April 18,2010 pumanaw na ang mahal naming si daddy luding...nais kong magpasalamat sa lahat ng binigay nya sakin noong 12 years na lumaki ako sa tabi nya,pinagkaitan man ako ng tunay kong ama si daddy luding ang pumuno lahat ng pagkukulang na iyon.Daddy Luding higit na salamat sa pag extend mo ng pagmamamahal sakin bilang anak sa pagmamahal na binigay mo sa aking anak...salamat...alam ko masaya kanarin kapiling ang dakilang maylikha,,,mahal na mahal kanamin ni lowella...kaya lang nakakalungkot hindi kana naabutan ng apo mo pang isa kasi nagyong MAY 2010 pa lang sya lalabas...pero hayaan mo ikukuwento kanamin ni lowella at hindi kanamin makakalimutan...MARAMING SALAMAT DADDY LUDING !

No comments:

Post a Comment

About Me

My photo
Thank you for visiting my blog...please put a helpful comment...and i'm gladly appreciate your message...('',)